Thursday, July 24, 2014

Pawikan oh la la :)


Ano ba ang pawikan?

     Ayon sa wikipedia, ito ay isang uri ng malaking pagong o galapagong na may mga palikpik imbis na paa at karaniwang nabubuhay sa dagat. Ito raw ay reptilyang mga pandagat na naninirahan sa lahat ng karagatan maliban sa arctic ocean.

   

Noong 2011, ay isinama akong mamasyal sa Maitum, Sarangani Province ng kaiban ko. At isa sa mga pinuntahan nga namin ay ang Pawikan Sanctuary. Doon, nakita ko ang madaming malilit na pawikan na inaalagaan ni Kuya Danilo Dequina.
pawikan holding pen



Ayon sa mga "mini-notes" (hmm..sort of mini diary) ko sa mga travel escapades, ang sanctuary ay pinangunahang itayo talaga ni Kuya Danilo. Kinukuha nya ang mga itlog na nakikita nya sa beach at inililipat sa nka screen na nesting sites. Tapos pagnapisa na ang itlog ay inililipat ang mga cute pawikan sa "holding pen".At kapag lumaki na ng konti ay pinakakawalan na sa dagat upang suungin ng mga ito ang "tunay na buhay".


  



"My pawikan"
...at tiyempo naman ng pagbisita nga namin doon ay ready na daw yung mga malilit na pawikan na harapin ang buhay sa dagat. Kaya ayun napaka excited namin dahil yun ang unang pagkakataon na mkapag "set-free" kami ng pawikan.
   

 Ang karanasan na ito ay hinding-hindi ko talaga malilimutan. Sana lang, ang mga pawikan na ito ay lumaki na malusog at masagana. At sana mkabalik ang mga ito dito sa Maitum, Sarangani Province       para mangitlog at magparami.



Kung gusto nyo palang pumunta dito at kararating nyo lang ng Bulaong Terminal, General Santos City, dapat ay sumakay kayo ng tricycle papunta sa Quezon Avenue kung saan nka alley ang mga van papuntang Maitum (huwag mabahala sabihin nyo lng sa tricycle driver alam nila yan). Pagnkasakay na kayo ng van ay huminto kayo sa Maitum Municipal Hall. Mula doon ay pwede kayong mag habal-habal ride patungo sa Pawikan Sanctuary (kilala naman ang lugar na ito kaya don't worry). Pero I strongly suggest na magprivate vehicle kayo dahil pwede kayong mag picture2 on the way sa lugar na ito at hindi kayo magwoworry sa transpo pauwi.




Bon voyage "my pawikan"

No comments:

Post a Comment