Thursday, August 7, 2014

IML Eco Park

            Last December 2013, we celebrated our office Christmas Party at IML (Ireneo Miguel Lopez) Eco Park located at Maasim Sarangani Province. It is a 60 kilometer drive from General Santos City (more or less 30-40 minutes yung byahe). Kaya heto ang mga comments ko sa karanasang iyon.

            





Unahin natin ang likes:


  • Ang resort ay mayroong excellent na landscape na tanaw ang Sarangani Bay at ang malawak na coconut plantation na malapit sa lugar...hehehe..makikita nyo naman sa picture sa itaas na talagang napakaganda ng view..Kaya nga it makes for a "malayo ang tingin ngunit wla namang tinatanaw" moment ;)

  •  Isa din sa mga nagustuhan ko ay mayroon silang slides sa pool at mga "mushroom shades" kung saan pwedeng makasilong if mainit na masyado ang araw ngunit gusto pa rin magbabad sa pool.

  • Marami din silang mga cottages na pagpipilian na angkop sa dami ninyo. I suggest though na huwag ninyo piliin yung maliliit na cottage malapit sa pool kasi mainit doon pagtanghali.

Plus factor din ang kanilang shooting range. Kung saan matetest at mapractice ang iyong shooting abilities. Hmmm,  in fairness, mabait yung in-charge at pasensyoso sa pagtuturo kung paano bumaril ng straight hehehehe pero hindi ako nagtry ha yung kaibigan ko lang.








    Mayroon din silang mini zookung saan matatagpuan mo ang ibang klaseng mga birds, snakes, monkey at iba pa. 





    May restaurant, zipline , conference room, at  airconditioned rooms for overnight guests din sila. Ngunit hindi ako mkapagcommento sa mga ito kasi hindi kami nagtry magzipline kasi walang person-in-charge. Hindi din kami kumain sa resto nila kasi nagdala kami ng sariling pagkain. At hindi din kami nag overnyt o gumamit ng kanilang conference room. Pero, sa aking palagay, ok naman ang mga ito.





     At para sa dislikes naman:




    Ang hindi ko lang nagustuhan ay walang sapat na signage para mkapagsasabi na malapit kana sa IML. Kaya nga muntik na kaming mawala dahil lumampas kami sa IML Resort Entrance. Malabo din yung signage na IML Resort. Sana lang ay maglagay sila ng malaking banner(yung klaro ha hindi faded) na nagsasabi na "Welcome to IML Resort" or "You are 10 meters away from IML", etc.





    Nahirapan din kaming magCR, magbihis at makapagbanlaw dahil isa lang ang kanilang CR. (sana dagdagan in the future)


    Isang pool na lang din ang pinapagamit o functioning noong nagpunta kami. Sort of na disappoint nga ako kasi I was expecting two(pero mahal naman talaga magmaintain ng pool kaya understandable bakit isa nlang ag pinapagamit)





    .....Anyway, if magkakaroon ulit ng pagkakataon ay babalikan ko ang lugar na to dahil it really is a place for rest, relaxation and adventure. The memories we created are always priceless and a treasure worth keeping :)





    BY the way here are some pertinent information you should know :



    Entrance Fee


    P50.00 from 7am-6pm
    P75.00 for overnight guests with unlimited use of swimming pools. 

    Rooms:

    P1,500 Airconditioned
    P1,000 Economy

    Cottages:

    P2,000 - Close Cottage
    P150 - Open Cottage


    Zipline:

    P200 per ride


    Firing Range:

    P100 per 3 bullets



    ...by the way, the pictures were taken either by me or my friends..hehehehe



    No comments:

    Post a Comment